Ano ang methotrexate?

Ang methotrexate ay gamot na nakakaapekto sa pagdami ng ilang mga cells sa katawan (anti-metabolite) at nakakababa ng aktibidad ng ating immune system (immunosuppressant).

Dahil sa pagiging anti-metabolite nito, ang methotrexate – sa mataas na dose – ay ginagamit na gamot laban sa ilang uri ng kanser ng balat, baga, ulo at leeg at ng dede. Pero sa mas mababang dose, ito ay gumagana bilang immunosuppressant. Kaya’t ang methotrexate ay isa sa pinakamadalas na gamiting gamot para sa mga namamagang uri ng arthritis (inflammatory arthritis), pamamaga sa daluyan ng dugo (vasculitis), psoriasis at mga connective tissue diseases tulad ng lupus/ SLE. Kaya’t huwag na mag-alala kung meron kang kanser sa tuwing magrereseta ang iyong rheumatologist ng methotrexate.


Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga sakit na maaaring paggamitan ng methotrexate ng inyong rheumatologist:

  • Rheumatoid arthritis 
  • Psoriasis/ psoriatic arthritis 
  • Juvenile idiopathic arthritis 
  • Adult onset Still’s disease
  • Systemic lupus erythematosus 
  • Dermatomyositis/ polymyositis
  • Granulomatosis with polyangiitis
  • Takayasu’s arteritis
  • Cutaneous vasculitis
  • Scleroderma

Ang methotrexate ay mabibili bilang tableta o gamot na pang ineksyon. Ang kadalasan naming nirereseta ay ang tableta. Subali’t kung hindi ito magamit ng pasyente, minsan ay inaabisuhan naming mag-ineksyon na lang.

Hindi dapat gumagamit ng methotrexate ang pasyenteng merong sumusunod na kondisyon:

  • Allergy sa methotrexate
  • Mga buntis o mga nagpapadede ng bata (breastfeeding)
  • May problema sa bato (chronic kidney disease) o atay (cirrhosis / hepatitis)
  • Umiinom ng sobra-sobrang alcohol (beer, gin o alak)
  • May problema sa dugo tulad ng mababang white blood cells (leukopenia) o platelets (thrombocytopenia)
  • May aktibo at malalang impeksyon tulad ng pulmonya (pneumonia) o TB (tuberculosis)

Kaya’t madalas ay nagpapagawa ang inyong mga duktor ng mga laboratory tests bago at habang gumagamit ng methotrexate. Ito ay importanteng bahagi ng pangangalaga sa inyo para maagapan agad ang pagkakaroon ng mga problema dahil sa methotrexate.

Side effects. Ang mga sumusunod ay mga side effect na madalas maramdaman ng mga pasyenteng umiinom ng methotrexate:

  • Naduduwal o pagsusuka
  • Pananakit ng tiyan
  • Pananakit ng ulo, pagkahilo
  • Nawawalan ng gana kumain
  • Pananamlay o parang pagod na pakiramdam

Kaya madalas ay nagrereseta din ng folic acid ang inyong duktor upang maiwasan ang ganitong mga side efffect. Kung ikaw ay nasimulan na folic acid at nakakaramdam pa rin ng mga sintomas sa itaas, maaaring taasan pa ng iyong duktor ang dose ng folic acid o di kaya’y pag uusapan niyo ang pagsubok ng ineksyon na methotrexate (mas bawas kasi ang mga nabanggit na side effects kapag binigay sa ganitong pamamaraan) o iba pang gamot para sa inyong kondisyon. Kaya’t huwag mag-alinlangan at banggitin sa inyong duktor ang mga nagsabing side effect para mas mapag usapan ng husto ang inyong kalagayan.

Paminsan-minsan ay maaaring magkaroon ng malalang reaksyon ang sinumang gumagamit ng methotrexate. Kaya’t agad na kumonsulta sa emergency room kung kayo ay magkakaroon ng alin man sa mga sumusunod na sintomas matapos uminom ng methotrexate:

  • Pamamantal, pamumula at pangangati ng balat
  • Nahihirapan huminga
  • Pamamaga ng mukha, labi, dila o lalamunan

Liban sa mga nabanggit na side effects, nararapat na isangguni agad sa duktor kung ikaw ay nakararamdam ng lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, hirap sa pag-ihi, o pananakit ng puson  habang umiinom ng methotrexate. Ang mga sintomas na ito ay maaaring dahil sa impeksyon. At dahil sa immunosuppressant ang methotrexate, maaaring kailangan ng ating katawan ng tulong sa paglaban sa impeksyon sa pamamagitan ng mga antibiotics.

Pag-inom ng gamot. Para da mga pasyenteng umiinom ng methotrexate para sa arthritis o alin man sa mga kondisyong nakalista sa itaas, ang madalas ireseta ng rheumatologist ay ang 2.5 mg na tableta sa dami ng 3-10 tableta kada linggo. Ang kabuuang dose ay pinapainom sa loob ng isang araw lamang bawa’t linggo. Kung ang iniinom na dose ay tatlo lamang, maaari itong inumin ng minsanan lamang. Kung mas mataas na dose ang kailangan, maaaring hatiin sa 2 o 3 inuman ang kabuuang dose na may pagitan na 12 oras sa gitna ng bawat inom. Halimbawa, kung 6 na tableta ang inabiso ng iyong duktor, maaari itong inumin ng 2 tableta kada 12 oras o di kaya ay 3 tableta kada 12 oras hanggang makumpleto ang kabuuang dose. Ang folic acid ay  pinaiinom sa araw na sumusunod matapos uminom ng methotrexate o di kaya’y sa ibang araw ng linggo huwag lamang tumapat sa araw ng pag inom ng methotrexate.

Mahalagang pag-usapan ng pasyente at ng kanyang duktor ang anumang katanungan o agam-agam tungkol sa paggamit ng methotrexate. Batay sa mga pag-aaral, ang gamot na ito ay mabisa, mura, madaling inumin at mas napananatili ng matagal ng maraming pasyenteng gumagamit nito.

Advertisements

Ano ang NSAIDs?

Ang Non-Steroidal Anti-Inflammatory Drugs (or NSAIDS) ay grupo ng mga gamot na kadalasang ginagamit para maibsan ang sakit o kirot (pain reliever), mabawasan ang pamamaga (anti-inflammatory) o mapababa ang lagnat (anti-pyretic). 

Ang mga ito ay ginagamit para maibsan ang mga sintomas ng sakit ng ulo, pananakit ng puson kapag may regla (dysmenorrhea), arthritis, rayuma at iba pang pananakit ng katawan. Kahit ginagamit sa parehong mga kondisyon, ang paracetamol at tramadol ay hindi NSAIDs.

Image from mirror.co.uk
Ang mga NSAIDs ay maaaring makuha bilang tableta, kapsula, pamahid (cream o gel) o ineksyon. May ilang preparasyon na maaaring mabili ng walang reseta (over-the-counter) at may iba namang mabibili lamang kung may reseta ng duktor (prescription medicine).

Ang generic names ng ilang mga NSAIDs na nabibili sa Pilipinas ay:

  • ibuprofen (Brand Names: Advil, Dolan, Medicol, Midol)
  • naproxen (Brand Names: Flanax, Naprosyn, Skelan) 
  • diclofenac (Brand Names: Cataflam, Difenax, Neopyrazon, Voltaren)
  • mefenamic acid (Brand Names: Dolfenal, Gardan, Ponstan)
  • meloxicam (Brand Names: Melart, Mobic, Neoxicam)
  • indomethacin (Brand Name: Infree)
  • celecoxib (Brand Names: Celebrex, Celcoxx, Coxid, Coxidia)
  • etoricoxib (Brand Name: Arcoxia)

May mga preparasyon din kung saan ang mga NSAIDs ay may kasamang ibang gamot:

  • ibuprofen + paracetamol (Brand Names: Alaxan FR, Flexigesic, Restolax)
  • diclofenac + vitamin B complex (Brand Name: Neurofenac)

Ang mga NSAIDs ay maaaring mabili bilang generic o branded. Sila ay may magkahalintulad na bisa. Subalit maaaring mayroong uri na mas epektibo para sa iyo.

Maraming tao ang umiinom ng NSAIDs. Subalit ito’y hindi para sa lahat at kung minsan ay maaaring magdulot ng nakakaabalang side effects. Mas mabuting sumangguni sa duktor kung gagamit ka ng NSAIDs at meron ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon:

  • Mahigit 65 taon ang edad 
  • Buntis o nagpaplanong mabuntis
  • Nagpapadede ng bata
  • Mayroon hika
  • May allergy o dating reaksyon matapos uminom ng alin mang NSAID
  • May ulcer, hyperacidity, dyspepsia o alin mang problema sa sikmura o bituka
  • May problema sa puso (tulad ng dating atake sa puso, baradong daluyan ng dugo), atay (cirrhosis, fatty liver, hepatitis o pamamaga ng atay) o bato (chronic kidney disease, nephritis, atbp)
  • Umiinom ng iba pang gamot para sa kondisyong medikal

Ang pagkakaroon ng alin man sa mga kondisyong nakalista sa itaas ay sapat ng dahilan upang kumonsulta muna sa manggagamot bago uminom ng NSAIDs. Hindi naman bawal gumamit ng NSAIDs kapag may mga kondisyong nakalista sa itaas subalit mas mainam na binabantayan kayo ng duktor dahil may mataas na pagkakataon na magka side effects

Tulad ng iba pang gamot, maaaring magkaroon ng side effects habang gumagamit ng mga NSAIDs. Mas madalas ito mangyari kapag gumagamit ng mataas na dose ng mga gamot, matagal ng gumagamit ng mga NSAIDs, kapag ang edad ay higit 60 taon o di kaya’y kung mahina ang lagay ng iyong kalusugam (poor general health). Ito’y mas madalas ding mangyari kapag gumagamit ng mga prescription NSAIDs kung ikukumpara sa mga over-the-counter NSAIDs.

Ang mga posibleng side effect ng NSAIDs ay ang:

  • Kabag (indigestion) – pananakit ng tiyan o pagtatae
  • Ulcer – pagkagasgas, pagdurugo (bleeding) o pagkabutas (perforation) ng sikmura o alin mang bahagi ng bituka
  • Pananakit ng ulo (headaches)
  • Allergy o drug hypersensitivity 
  • Paghihirap ng puso (heart failure), atake sa puso (heart attack) o atake sa utak (stroke)
  • Altapresyon o high blood (hypertension)
  • Problema sa bato (kidney disease)

Kaya, kung ang pag inom ng NSAIDs ay gagawin ng higit sa tatlong (3) magkakasunod na araw o ‘di kaya’y higit sa labing-apat (14) na araw sa loob ng isang buwan, mas mabuting may patnubay ng duktor upang mabigyan ng abiso sa tamang pag gamit ng gamot at mabantayan ang pagkakaroon ng side effects.

Para mabawasan ang ilang side effects na dulot ng NSAIDs, ito’y dapat inumin na may kasama o agad matapos kumain, may kasabay na isang basong tubig at naaayon sa instruksyon (instructions) na bigay ng iyong duktor. Maaari ring magreseta ang iyong duktor ng gamot na makababawas ng posibilidad ng side effects tulad ng gamot laban sa ulcer o kabag. 

May mga NSAIDs na pwedeng inumin ng isang beses lang araw-araw at may iba naman na 2 o 3 beses sa isang  araw. Mahalagang makinig sa abiso ng duktor sa tamang oras ng pag inom ng mga gamot. Kung umiinom din ikaw ng iba pang gamot para sa ibang karamdaman, mas mabuting itanong sa duktor ang tamang oras o schedule ng pag-inom ng lahat ng mga gamot.

References and Translated from:

NHS Choices website (www.nhs.uk/conditions/anti-inflammatories-non-steroidal/Pages/Introduction.aspx)

Arthritis Research UK website (www.arthritisresearchuk.org/arthritis-information/drugs/NSAIDs)

Vitamin B for Aches and Pains

Even before you can properly assess any complaint of joint pain, paresthesias, tingling, numbness or ngalay, the typical Filipino patient already has an expectation that he’ll be prescribed vitamin B. And if you do decide NOT to give it, the Pinoys will make sure to ask you about it. Some physicians give in, thinking there’s no harm to it. Others take the time to explain why they didn’t include it. But what is the state of evidence surrounding the use of vitamin B in various painful conditions?

I had the chance to review it during the 12th Post Graduate Course of the East Avenue Medical Center Department of Internal Medicine. Here were my slides for that presentation last 16 September 2016.

 

Results of a Phase IIb Study on Arhalofenate in Gout

Initiation of urate lowering therapies have been associated with an increased risk of gout flares. Hence, prophylaxis with either colchicine or naproxen has become routine in order to ameliorate this risk. Groups may vary on how long prophylaxis should be given but 6 months is generally recommended. Aside from prophylaxis, slow reduction of serum urate levels have also been advised as a means of minimizing flares (which is another reason why many groups still prefer allopurinol as first line therapy since following dosing guides result in a more gradual reduction of SUA compared to agents like febuxostat).

Some patients may be concerned with the number of pills they have to take when undergoing treatment for gout. So here is where arhalofenate may be an option. Arhalofenate is a novel uricosuric that blocks URAT1 mediated reabsorption of urate in the proximal tubules of the kidney. Similar to benzbromarone and lenisurad, it can be given as a single daily dose and does not share the need for frequent dosing seen with older uricosurics like probenecid and sulfinpyrazone. In mouse models, it has also been shown to inhibit activity of IL-1B – a key inducer of gout attacks – and also blocks  neutrophil influx at the site of inflammation. In short, arhalofenate is a novel ULT with anti-inflammatory properties.

Continue reading

ACR 2015 Guidelines on Rheumatoid Arthritis Part 2: Conflicts

There’s this expectation that guidelines put perspective into the scheme of things as new evidence is obtained on the use of both novel and established agents. Personally, a well made algorithm is the core of guidelines as it organizes the tools available to a physician after weighing in concerns such as efficacy, safety, tolerability and, hopefully, costs (biologics and targeted synthetic DMARDs are far from being cheap!).

The following are my opinions on parts of the ACR 2015 Guidelines on Rheumatoid arthritis  that I feel more time should have been devoted to in clarifying issues. Others may call these missed opportunities (see  the editorial by van Vollenhoven R.  Nature Rev Rheum 2016; 12. doi: 10.1038/nrrheum.2015.181). I’d refer to them as conflicts as these added more confusion rather than organization to how we manage the disease. Feel free to discuss them with me as I’d appreciate more ideas on these matters.

Continue reading

Pravastatin in Managing Poor Obstetric Outcomes in APAS

Anti-phospholipid antibody syndrome (APAS) is an autoimmune non-inflammatory condition characterized by vascular thrombosis and pregnancy morbidity in the background of anti-phospholipid (aPL) antibodies. Up to one-third of lupus patients may have concomitant APAS which further complicates management. Evidence suggests that presence of lupus anti-coagulants correlate with risks for developing poor pregnancy outcomes and vascular events and these risks are multiplied by the presence of additional aPLs. While a variety of options are available to treat APAS related vascular events, there are limited options to treat pregnancy morbidity.

Continue reading

ACR 2015 Guidelines for Rheumatoid Arthritis Part 1: Affirmations

Sessions on rheumatoid arthritis are guaranteed crowd-drawers in any rheumatology conference. Speakers discussing guidelines draw attention because it is a challenge keeping up with the evidence and guidelines, hopefully, put things in perspective. You can just imagine how exciting a session on RA guidelines would be. I remember attending several where the ACR 2015 guidelines (get them here) were featured even before it could see print. Overviews of the algorithms made everyone excited.

But after finally going through the final print, i can say that I’m divided on what to feel. Some items affirmed what we have been doing all along. But many parts were confusing and, at times, seem to go against reason.

Continue reading

What is DOH A.O. 2015-0053?

Let’s take a break from the medical posts and discuss something related to practice!

I’ve heard of stories on how the pharmas have influenced the doctor-patient relationship. I recall one story shared by Dr. Tony Dans (circa 2003?) of how prescriptions for a drug changed  in relation to an out-of-town launch (on a cruise, if I’m not mistaken). Peaks in prescriptions were observed when the news came out, when invitations were sent, the days leading to the launch and for several days afterwards. Amused as I was, I didn’t pay much attention then as  that story happened abroad. I recall commenting also that probably what happened was an exception rather than a common occurrence.

Continue reading

EULAR posts its 2016 Guidelines for Gout: A comparison of sorts

I am amused that in a country recognized internationally for its high prevalence of gout (yes, I’m referring to the Philippines!), there has only been ONE gout guideline. But other nations and groups have produced several iterations of recommendations. Case in point, EULAR released last month its second version of gout guidelines – this time employing the GRADE approach in evaluating the evidence. But how does  it compare to the Philippine Guidelines in 2008 (which also used GRADE) and the 2012 ACR Recommendations?

The 2016 EULAR consists of three overarching principles and 11 final recommendations. If you’re after specifics it would be best to read the full article here.

Continue reading

Ano ang Rheumatoid Arthritis?

Ang RHEUMATOID ARTHRITIS ay isang uri ng chronic or matagalang arthritis kung saan ang mga panlaban ng katawan sa mikrobyo at impeksyon ay linalabanan ang ibang pang bahagi ng katawan na nakatuon sa mga kasu-kasuhan. At di tulad ng ibang rayuma at arthritis kung saan mabagal ang mga pagbabago, kapag pinabayaan, ang rheumatoid arthritis ay magdudulot ng mabilisang pagkasira ng mga kasu-kasuhan na maaaring maging sanhi ng maagang pagkakabalda. Liban sa kasu-kasuhan, maaari ring maapektuhan ang iba pang bahagi ng katawan tulad ng balat, daluyan ng dugo (blood vessels), baga at puso.

Continue reading