Ano ang Rheumatoid Arthritis?

Ang RHEUMATOID ARTHRITIS ay isang uri ng chronic or matagalang arthritis kung saan ang mga panlaban ng katawan sa mikrobyo at impeksyon ay linalabanan ang ibang pang bahagi ng katawan na nakatuon sa mga kasu-kasuhan. At di tulad ng ibang rayuma at arthritis kung saan mabagal ang mga pagbabago, kapag pinabayaan, ang rheumatoid arthritis ay magdudulot ng mabilisang pagkasira ng mga kasu-kasuhan na maaaring maging sanhi ng maagang pagkakabalda. Liban sa kasu-kasuhan, maaari ring maapektuhan ang iba pang bahagi ng katawan tulad ng balat, daluyan ng dugo (blood vessels), baga at puso.

Kadalasan, mga batang babae (edad 20-50 taon) ang naapektuhan ng R.A. Hindi pa tiyak kung ano ang tunay na sanhi ng pagkakaroon ng sakit na ito. Pero, nasisiguro¬†natin na hindi ito nakakahawa. Pinaniniwalaan na ang mga taong nagkakaroon nito ay may predisposisyon o potensyal na magkaroon ng RA (at may mga pagkakataon na ito ay namamana). Kapag dumaan sa matinding stress, sakit o di pa siguradong pangyayari,nagiging dahilan ito upang magsimulang lumabas ang rheumatoid arthritis. Ang sakit na ito ay hindi dulot ng pang-aabuso o sobrang paggamit ng kasusuhan. Subali’t maaari nitong mapalala ang nararamdamang sintomas.

Ang RA ay nagdudulot ng sabay-sabay na pananakit at pamamaga ng maraming kasu-kasuhan. Halos lahat ay maaaring maapektuhan pero madalas nadadamay ang mga kamay, tuhod at galanggalangan (wrists). Hindi apektado ng RA ang likod at balakang. Kasabay ng pananakit at pamamaga ay ang paninigas o paninikip ng mga kasu-kasuhan sa umaga (morning stiffness) na tumatagal ng higit sa 1 oras bago lumuwag. Ang pagpapahinga o matagal na hindi paggalaw ay nagdudulot ng pananakit ng mga joints. Kaya madalas ay inaabisuhan ang mga pasyente na manatiling aktibo subalit huwag masyadong abusuhin ang katawan.

Imahe mula sa novocur.com

Kapag hindi agad nabigyan ng tamang gamot ay magkakaroon ng maagang joint deformities ang pasyenteng may RA (tingnan ang larawan sa itaas). Kapag nagsimula na ang mga deformities, hindi na ito maitatama ng mga gamot. Ito, kasama ang iba pang sintomas, ay ang nagiging dahilan ng disabilidad at pagkakabalda. Kaya mahalagang malaman ng maaga kung ang pananakit ng mga kasu-kasuhan ay dulot ng rhaumatoid arthritis – upang mabawasan ang posibilad ng pagkakabalda. Kumonsulta agad sa manggagamot kung may pananakit ng mga kasu-kasuhan na 6 na linggo o higit pa ang tinatagal. Nangangailangan ng karagdagang pagsusuri upang matiyak kung ang arthritis mo ay sanhi ng rheumatoid arthritis.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s