Kailan dapat simulan ang pag-inom ng Allopurinol o Febuxostat?

Maaaring madiskubre na mataas ang uric acid habang nagpapa eksamin ng dugo bilang bahagi ng executive check up o annual physical exam. Ito ay maaari ring nakita lamang ng magpasuri ng dugo para sa iba pang karamdaman. Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay sinisimulan ng urate lowering therapies (tulad ng allopurinol at febuxostat) ang mga pasyenteng may mataas na uric acid.

blood_1880969c
Imahe mula sa huffingtonpost.co.uk

Sa mga pasyenteng may gout, sinisimulan ang urate lowering therapies kapag ang mga non-pharmacologic interventions tulad ng pagbabago sa pamumuhay (lifestyle changes), pag-abiso sa tamang pagkain (dietary advise) at pagpapapayat ay di nagagawang PABABAIN at PANATILIIN ang serum uric acid sa lebel na <6mg/dl (360 umol/l). Mas madalas, hindi ito nakakamit sa pamamagitan ng non-pharmacologic interventions kaya maraming duktor ay diretsong nagsisimula na lamang ng urate lowering therapies. Ang mga sumusunod ay karagdagan dahilan para simulan ang urate lowering therapies:

  • >2 atake ng arthritis ng gout
  • pagkakaroon ng tophi
  • pagkakaroon ng kidney stones na mula sa uric acid
  • mga pagbabago sa x-ray dahil sa gout

At tulad ng naunang mensahe sa mga gamot para sa gout (basahin dito),  ang mga urate lowering therapies ay maintenance medication. Kaya dapat makuha ang paninindigan (commitment) ng pasyenteng may gout kapag magsisimula ng urate lowering therapies dahil ito ay gamutang pang habang-buhay.

Sentro ng mga pag-uusap ng mga experto ay kung may lebel ng mataas na serum uric acid kung saan dapat simulan agad ang mga urate lowering therapies KAHIT WALANG SINTOMAS NG GOUT. Ito ay tinatawag na ASYMPTOMATIC HYPERURICEMIA.

Lahat ay sumasang-ayon na kapag >11 mg/dl (>660 umol/l) ay kailangan magsimula ng gamutan para maiwasan ang pagkakaroon ng uric acid kidney stones. Lahat din ay sumasang-ayon na sa mga pasyenteng may kanser at tumatanggap ng chemotherapy ay maaaring bigyan ng urate lowering therapies para maiwasan ang pagkasira ng bato dulot ng tumor lysis syndromeMay ebidensya rin na maaaring simulan ang urate lowering therapies sa mga pasyenteng may panimulang yugto (stage) ng chronic kidney disease para mapabagal ang pagkasira ng bato.

Sa ibang mga sakit, tulad ng altapresyon, diabetes, stroke o sakit sa puso, nakitaan ng association ang mataas na uric acid sa mas malalang kinalabasan o komplikasyon. Subalit, HINDI PA naipapakita na ang pagbigay ng urate lowering therapies sa mga pasyenteng walang gout ay epektibong paraan para maiwasan ang mga malalalang komplikasyon o outcome. HINDI PA rin naipapakita na ang pagbibigay ng urate lowering therapies ay epektibong paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng altapresyon, diabetes, stroke o sakit sa puso.

Isa pang kontrobersya ay kung maaari bang magsimula ng urate lowering therapies para maiwasan ang pagkakaroon ng gout (prevention). Batay kasi sa mga pag-aaral ay mas tumataas ang tsansa (chance o risk) na magkaroon ng gout sa mas mataas na level ng serum uric acid. Batay sa National Nutrition and Health Survey (NNHeS) na ginawa sa Pilipinas noong 2003, 25% ng mga Filipino ay may mataas na serum uric acid. Subalit, 1.6% lang ng mga Filipino noong 2008 ay merong gout ayon sa parehong pag-aaral. Ibig sabihin nito’y ISA SA BAWAT 16 (1 for every 16) na Filipinong may mataas na uric acid ang magkakaroon ng gout. Sa aking palagay, hindi ito sapat na dahilan para agad na magsimula ng urate lowering therapy sa isang pasyenteng may asymptomatic hyperuricemia. Hindi ito cost-effective dahil pareho lamang ang gamot na gagamitin.

Ano ang maaaring gawin para sa pasyenteng may asymptomatic hyperuricemia? 

  1. Hanapin ang sanhi ng mataas na uric acid. May mga sakit na sadyang nagpapataas ng uric acid tulad ng renal failure, psoriasis, kanser sa dugo at sobrang timbang (obesity). Meron ding mga gamot na nagpapataas ng uric acid tulad ng aspirin, ilang gamot laban sa tuberculosis at gamot na pampaiihi (thiazide diuretics). Ang paggamot ng sakit na sanhi ng mataas na uric acid o ang pagtigil ng mga gamot na nagpapataas ng uric acid ay maaaring mabalik nito sa normal na lebel.
  2. Pumili ng gamot para sa iba pang sakit na nagpababa rin ng uric acid. Kunyari ay merong altapresyon ang pasyente. Maaaring pillin ang losartan o amlodipine sa halip ng iba pang gamot sa hypertension. Kung may mataas na cholesterol ang pasyente, maaaring bigyan ng fenofibrate para bumbaba ang bad cholesterol at mapababa na rin ang uric acid.
  3. Sundin ang mga dietary advise na nakakatulong pababain ang uric acid sa katawan. (Basahin dito)
  4. Gamitin ang mga lifestyle changes tulad ng ehersisyo at pagpapababa ng timbang upang hindi na tumaas ang uric acid.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s