Ano ang mga BAWAL na pagkain sa pasyenteng may GOUT?

Ang uric acid ay ginagawa ng ating katawan mula sa purines na laman ng maraming pagkain. Ang mataas na uric acid ang sanhi ng pagkakaroon ng gout.

High-Purine-Foods
Imahe mula sa howrid.com

Dati-rati ay maraming pagkaing pinagbabawal kung ikaw ay may gout dahil sa paniniwalang kapag marami kang kinakain na mataas sa purines ay lalong tataas ang uric acid sa katawan. Subali’t nagbago na ito dahil sa iba’t ibang pag-aaral na lumabas kamakailan lang. Mayroong pagkakaiba sa abiso sa pagkain na ibinibigay sa pasyenteng may gout na bago pa lang nagsisimula ng gamutan kung ikukumpara sa pasyenteng kontrolado na ang uric acid dahil sa tamang gamutan.

Kung ikaw ay di pa umiinom o nagsisimula pa lang ng gamot na nakabababa ng uric acid (urate lowering therapies) o kaya’y nais magpababa ng uric acid ng hindi umaasa sa gamot, maaari mong gawin ang mga sumusunod:

  1. Uminom ng maraming tubig (mahigit 2 litro sa isang araw) kung walang problema sa puso, atay o bato.
  2. Umiwas sa pag-inom ng alcoholic beverages tulad ng serbesa (beer), gin at alak. Kung sakaling umiinom ng red wine para sa kalusugan ng puso (heart health) ay maaari itong ipagpatuloy basta’t hindi lumalampas sa 2 serving para sa lalaki o 1 serving para sa babae sa loob ng isang araw.(1 serving = 125 ml)
  3. Bawasan ang pag-inom ng softdrinks at powdered juices na naglalaman ng fructose o corn syrup sapagka’t napipigilan nito ang paglabas ng uric acid sa katawan.
  4. Limitahin ang pagkain ng isda, lamang-dagat (seafood), red meat at laman-loob (tulad ng atay, balun-balunan) ng mga hayop  sa 1-2 serving bawa’t linggo. And isda at mga lamang dagat ang may pinakamaraming purines sa lahat. Walang pinagkaiba kung ang isda ay mula sa dagat (salt-water) o tubig-tabang (fresh-water), pareho silang malakas magpataas ng uric acid. Kung sakaling ikaw ay inabisuhan na damihan ang pagkain ng isda para bumaba any iyong cholesterol, konsultahin ang iyong duktor kung maaaring uminom ng gamot o di kaya’y fish oil supplements para dito.

Kung sakali namang nagme-maintain na ng urate lowering therapies, napapanatiling mababa ang  uric acid sa dugo at bihira ng atakihin ng arthritis ng gout, ay maaari  ng maging maluwag sa paglimita ng isda, lamang-dagat, red meat at lamang-loob ng mga hayop. Subalit kailangan pa ring umiwas sa pag-inom ng alcoholic beverages. Kahit na umiinom na ng tamang gamot, maaari pa ring atakihin ng arthritis kung iinom ng alcoholic beverages ang isang pasyenteng may gout.

Mapapansin na walang nabanggit tungkol sa gulay sa mga abisong nakalista sa itaas. Ito ay dahil sa ang purines mula sa gulay at prutas ay hindi nakadadagdag sa tsansang magkaroon ng gout or di kaya’y atakihin ng arthritis ng gout.

At pinaka-importante sa lahat, ang mabigat o sobrang timbang (overweight/ obesity) ay isa ring dahilan ng pagtaas ng uric acid. Kung mapananatiling tama ang timbang o di kaya’y mababawasan ng sobrang timbang sa pamamagitan ng tamang pagkain ay makatutulong ito ng malaki para mapanatiling mababa ang uric acid sa katawan.

Advertisements

47 thoughts on “Ano ang mga BAWAL na pagkain sa pasyenteng may GOUT?

  1. Magandang gabi po doc ask ko lang pang apat na beses na po kasi akong inaatake ng gout sa mga joints ng paa ko una sa daliri sa paa pangalawa sa kaliwang sakong pangatlo sa kanang tuhod at pang apat duon ulit sa kaliwang sakong ng aking paa malalaman nyo po ba kung gaanong kataas ang aking uric at kung ilang mg na ng alopurinol na ang dpat ko inumin 300mg po kasi ang ni te-take ko ngaun…

    1. Magandang araw. Mas magandang sumagguni sa isang rheumatologist para na review ang inyong kondisyon at tingnan kung bakit inaatake pa rin kayo ng gout. Kailangan po kasi na mapababa ang uric acid sa dugo sa pamamagitan ng gamot at malalaman lamang ito sa pagpapalaboratoryo.

  2. Hi Doc, naway nasa mabuti kayong kalagayan. napakatagal na po ng topic na ito ngunit umaasa pa rin ako na sana akoy inyong matugunan… Halos isang buwan na po namamaga ang binti ko at masakit masyado yung muscle ko sa binti to the point na may isang linggo din ako d nakalakad.. malaipas po ang isang linngo nagpatingin na po ako sa doctor at nagtest CBC at uric,
    7.6 po yung lumabas sa uric test ko at sabi ng doctor yun daw dahilan ng pamamaga at pananakit. Binigyan po ako ng Kflam at after 5 days loric naman. Good for 7 days ung Kflam at good for 20 days nman yung loric…. ang tanong ko po Bakit nung natigil na ako sa Kflam parang sumasakit pa din gaya ng dati at parang wla epekto yung Loric, pang 8days ko na po nayon sa loric, ask ko na din po may mag munting butlig po ako sa paa bago ako nagpasuri, paminsan mnsan sa kamay. hindi po kaya may kaugnayan ito sa sakit ko. sakong lang po ang may maga sa akin,,,, umaasa po ako na inyong masasagot Salamat po

    1. Kumusta. Nabanggit mo ba sa manggagamot mo na may lumalabas sa katawan mo? May ilang arthritis po kasi na kasama sa sintomas ang mga problem sa balat. Ang gout po madalas ay nakikita sa kasu kasuhan mismo at hindi nadaramay ang muscle. Mas mabuti po siguro na kumonsulta sa isang rheumatologist upang matukoy kung ang dinaranas mo ay gout o hindi. Tumungo po kayo sa PRA website (Rheumatology.org.ph) at tingnan ang tala ng mga rheuma sa bansa sa ilalim ng FIND A RHEUMA section/tab. Nakaayos po ang listahan batay sa lugar kung nasaan ang clinic nila.

  3. Magandang araw po itong anakko my gout athritis risita sa dotor arcocixa mawala ang sakit at pamamaga pero sabi nila makasira dw sa kidni at atay totoo ba kc natakot nako magbigay ng arcoxia

    1. Ang Arcoxia (Generic name: Etoricoxib) ay isa sa mga gamot na pwede ibigay para nabawasan ang pamamaga at pananakit na kasuhan dahil sa gout. Tulad na lahat ng gamot na kung tawagin ay NSAIDs, kung hindi babantayan ang pag inom ng gamot – maaring magkaproblema sa sikmura, bato, atay o puso. Kaya DAPAT ay nababantayan o napapatnubayan ng duktor ang sinomang umiinom ng NSAIDs.

      1. OoMagandang araw po itong anakko my gout athritis risita sa dotor arcocixa mawala ang sakit at pamamaga pero sabi nila makasira dw sa kidni at atay totoo ba kc natakot nako magbigay ng arcoxia

  4. hello po tanung ko lang po kung anu po bang specific test ang pwede naming ipatest sa doktor para po malamaan kung anung klaseng arthritis meron ang asawa ko

    1. Wala pong specific na test para malaman kung align uri ng arthritis meron ang asawa mo. Nalalaman Lang po ito batay sa mga katangian ng pananakit ng kasu kasuhan, examinasyon ng apektadong joints at ang test na pipiliin batay sa naunang dalawa. Mas mabuting kumonsulta sa duktor para matuklasan ang arthritis na meron ang asawa mo.

  5. gud noon po namamaga po ung tuhod ko mga 2weeks na po mahigit ung maga nahihirapn ln po ako maglakad kc subrang kirot lalo na sa gav saka nahihirapan ako tumayo sa umaga.. mataas po ba ung uric acid ko.gout ln po ba to hirap din ako bumaba ng hagdan at umakyat.tnx po

  6. Hi po araw araw po laging masakit ang mga kasukasoan ko lahat po ng joint mapadaliri at braso dati po nagpatingin na ako sa doctor wala nmn po pain lng binigay ano po ba dapat kong gawin para maiwasan ang pagkirot at nagtake po ako ng snake bone masama po ba ito salmat po

    1. Maari pong kumonsulta sa isang rheumatologist para malaman kung ano ang sanhi ng pananakit ng kasuhan mo. Tingnan sa http://www.rheumatology.org.ph kung saan may pinaka malapit na specialist. Ang snake bone ay chinese traditional medicine. Hindi pa sigurado kung ano ang laman talaga nito. Mas mainam na kumonsulta sa duktor bago uminom ng kung anu ano.

  7. Hi ang balakang ko sa kaliwang bahagi ay sumasakit pababa ng benti ko hangang sa talampakan ko ok naman po ang result ng urinalysis ko at sugar normal lang lahat pasible kaya due to rayuma to ao aritis ako

  8. Good day po question lng po masakit po ung legs ko at hita ko mag 2weeks na po ito at tuwing gegecng ako eh medyo nahirapan po ako mag lakad at tumayo na parang kulng sa lakas ang aking paa at minsan nararamdaman ko nangangalaay kanang balikat ko.gout na po ba ito

    1. Sa gout, kasu-kasuhan ang madalas na apektado. Kung sa binti o hita mo nararamdaman ang pananakit o panghihina, malamang ibang uri ng rayuma o arthritis ang nararamdaman mo. Sumangguni sa duktor upang ma evaluate kung anong sakit meron ka at nang mabigyan na rin ng tamang gamot.

      1. sabi po kasi ng doktor mataas daw po uric ko binigyan ako ng gamot na pampababa. ok naman po pero pinagbawal naman skin ang super daming pagkin gaya ng s karne red meat, s gulay nman mga beans at iba pang mataas s uric at s isda naman po seafood at mga tuna even sardines at beer pero d naman ako umiinom at nag yoyosi..

  9. Good Evening po. Tanong ko lang po lahat po ba ng beans ay bawal sa my gout? String beans, baguio beans…. bawal po ba lahat. Salamat po

    1. Hindi po. Di tulad ng nakaraan, puwede kumain ng beans sa katam-tamang dami ang pasyenteng may gout. Ang dapat iwasan ay ang labis na pagkain ng anumang uri ng pagkain. Ang tanging banal sa gout ay ang alcoholic beverages.

      1. Magandang araw sa iyo! Ang lahat ng seafood ay malakas magpataas ng uric acid. Subalit hindi naman sila bawal sa isang pasyenteng may gout. Maaaring kumain ng 1-2 servings ng seafood sa isang linggo.

  10. Sabe po saken ng doktor bawal daw ang bangus at tilapia pero ok daw ang galunggong. Totoo po ba ito? Kaya araw arw galunggong ako

    1. Ang toto po ay lahat ng seafood ay malakas magpataas ng uric acid. Wala pong pagkakaiba kung ito ay maliit o malaking isda o mula sa tubig tabang o tubig dagat. Pwede naman po kumain ng isda at seafood kahit may gout. Ang importante ay limitahin ito sa 1-2 servings kada linggo. Maaari namang itaas ng duktor ang dose ng gamot na ininom para sa gout kung sakaling nahihirapan panatiliing mababa ang serum uric acid ng diyeta lamang.

      1. Gud am po.ano po dpat kainin o ulamin n may skit n arthritis po?kc po hnd ko po alm kng ano po lulutuin Kong ulam PRA s mama ko po?

      2. Kung gout po ang sakit nya, basahin muli ang nakasulat sa post na ito. Pero kung ibang uri ng arthritis, mas mabuting kumonsulta sa duktor para malaman ang tamang kakainin ng mama mo.

    1. Ang pag inom ng mga inumin na may fructose or corn syrup (na ginagamit upang mapatamis ang mga inumin) ay nakapagpapataas ng uric acid sa dugo. Ang paminsan minsang pag inom ng mga ito ay di makakasama. Anumang sobra ay makasasama.

  11. Nakakaramdam po ako ng pnanakit at pamamanhid sa aking kamay sa bandang kanan at nangangalay hanggang balikat..pag kagising ko po sa tuwing umaga sobra sakit at nd ko masyadong magalaw ang mga daliri ko…

  12. Good evening po,yong mister ko is 65 year old bigla po sumakit yong left ng pwet nya,,mag today na twing maglakad cxa maiiwan ang isang binti dahil masakit raw ilakad.kya nkadecide kami na ipahilot..medyo nabawasan nman dw yong sakit kya lng k8naumagahan halos di cxa makalakad sa subrang sakit,,,kya bumili po cxa skelan medyo ok nman daw,,,ako rin uminum rin ako kc may artritis din po ako kya lng nabasa ko po na bawal magtake ng naproxin ang nagpapadede…ano po ba ang side effects po kc 5months old pa po yong bb ko.hindi na po ako uminum.

    1. Salamat po sa pagkomento. Ang naproxen ay maaaring gamitin sa tamang dose sa maiksing panahon lamang habang nagpapadede ng bata. Ang mas matagal na paggamit ay maaaring magdulot ng iba pang problema. Para sa nararamdaman ng iyong Mister, mas mabuting ipatingin siya sa duktor ng malaman ang kanyang kondisyon at mabigyan ng tamang gamot.

    1. Salamat sa pagkomento!

      Sa halip na makasama, nakakatulong pa nga ang allopurinol na mapreserba ang mga kidneys sa mga pasyenteng may mataas na uric acid/gout at maagang problema sa bato. Mas makakasira ng kidneys kung iaasa lamang sa painkillers or pain relievers ang gout.

      Mas mabuti kung ikokonsulta sa duktor ang pag inom ng allopurinol dahil may mga kondisyong dapat masigurado bago ito simulan. Kailangang tama ang dose ng allopurinol batay sa estado ng bato at atay at dapat patuloy na imonitor ang mga ito habang nagme maintain ng alinmang gamot.

  13. Masakit ang tuhod ko bandang kanan po kapag bumababa ako ng hagdan masakit iapak ganun din sa pag akyat…tanong ko lang po ano magandang vitamins na inumin para lumakas uli ang tuhod ko..salamat po

    1. Salamat sa pagkomento.

      Mas mabuti pong magpatingin muna sa manggagamot para malaman ang kondisyong iyong nararamdaman. Maaari po kasi na hindi na vitamins ang kailangan nyo kung hindi ay gamot. Sa ngayon po ay walang vitamins na aprubado para sa kasu kasuhan o joints.

    1. Hindi po bawal ang kape sa may gout. Hindi rin po bawal ang tsaa. Subalit inaabisuhan namin na bawasan ang pag inom ng soft drinks at mga powdered juices dahil ang corn syrup/ fructose ay nakakapag pataas ng uric acid sa dugo.

  14. ung jowa ko kasi my arthritis,, ehhh nagkataon nasa barko sya kaya todo iwas sya sa mga pahkain na bawal . ask ko lang po kung un ay d kontra ??? tanx n more power..!

    1. Hindi po lahat ng arthritis ay may pagkaing ipinagbabawal. Pero kadalasan ay ang pag-maintain ng tamang timbang ay nakatutulong sa pagbawas ng mga sintomas. Ang artikulong ito ay makakatulong kung ang jowa mo ay may gout. Salamat sa pagsulat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s