Bakit paulit ulit ang pagtest ng uric acid sa pasyenteng may GOUT?

Ang labis na uric acid sa katawan ang sanhi ng pabalik balik na arthritis, tophi at kidney stones na nararanasan ng pasyenteng may gout. Ang pagsusuri sa uric acid sa dugo ay isa sa mga paraan upang makumpirma kung meron kang gout. Pero maliban sa diagnosis ay sinusukat kada bisita sa duktor ang lebel ng uric acid sa dugo.

Matapos masiguro na ang arthritis mo ay dahil sa gout, nagbibigay ang duktor ng gamot upang bumaba ang uric acid sa katawan – ang tinatawag na urate lowering therapies. (Upang malaman ang iba’t ibang gamot sa gout, maaaring magtungo rito) Ang mababang lebel ng uric acid sa katawan ay tutulong na maiwasan ang pag-atake ng arthritis ng gout, maiwasan ang paglabas ng mga komlipkasyon at, kung sakaling meron na, ay maaari nitong mapaliit o mapakonti ang tophi at kidney stones.

image

Tinitimpla ang tapang ng mga urate lowering therapies upang mapababa sa <6mg/dl (<0.360 mmol/l) ang uric acid sa dugo upang mapigilan ang pag atake muli ng arthritis at ang pagkakaroon ng komplikasyon. Subalit, kailangan ng mas mababa na lebel ang uric acid sa dugo na <5mg/dl (<0.300 mmol/l) upang dahan dahan na matunaw ang mga tophi at kidney stones. Kaya depende sa gusto nating maabot (pag-iwas sa arthritis o pagbawas ng komplikasyon) ay maaaring magkaiba ang lebel ng uric acid na tina-target ng inyong duktor.

Kinakailangan ng 5 o higit pang taon ng mababang uric acid sa dugo (<6mg/dl) para matunaw ang namuong uric acid sa loob ng mga kasu kasuhan. At mas matagal na panahon ang kailangan upang mawala ang mga tophi at kidney stones. Ang gout ay dahil sa labis na uric acid sa katawan at ang nasusukat lang ay ang lebel sa dugo – hindi ito repleksyon ng dami ng uric acid na maaaring namuo sa mga kasu kasuhan, bato at balat.

Dapat din natin alalahanin na ang pagtigil ng urate lowering therapies ay magiging sanhi ng pagbalik ng uric acid sa dugo sa dati nitong mataas na lebel. Kaya kapag ang pasyenteng may gout ay nasimulan ng urate lowering therapies ay kadalasan tinutuloy ito ng HABANG BUHAY.

Minsan ay hindi sapat ang isang gamot para mapababa ang uric acid sa katawan kaya pinagsasabay ang ilan sa mga ito (tulad ng pagdagdag ng losartan o fenofibrate). Ang pag inom ng ibang gamot sa gout tulad ng colchicine ay maaari ring makabawas sa sintomas ng gout subalit hindi ito nakaka apekto sa lebel ng uric acid at hindi nito mapipigilan ang pagkakaroon ng tophi at kidney stones. Mapipigilan lamang ang paglabas ng mga komplikasyon sa gout kung mapapanatili ang mababang antas ng uric acid sa katawan. Kaya kinakailangan ang regular na pagsusuri ng dugo upang masigurado ito.

Maliban sa uric acid, maaari ring regular na magpasuri ng bato (creatinine), atay (SGPT, SGOT) at CBC ang iyong duktor para mabantayan ikaw mula sa mga side effect ng iyong iniinom na mga gamot.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s