Anu-ano ang mga gamot sa GOUT?

Ang GOUT (piyo) ay kondisyong dulot ng labis na uric acid sa katawan na nagiging sanhi ng pabalik-balik na atake ng arthritis, tophi at kidney stones. (Maaari mong mabasa ang naunang artikulo tungkol sa gout dito) Ang tamang pagbibigay ng mga gamot ay magdudulot ng pagkawala ng arthritis at may posibilidad na mapaliit o mabawasan ang tophi at kidney stones.

Mayroong tatlong uri ng gamot para sa gout:
image

GAMOT NA KONTRA-ATAKE. Ang mga gamot na ito ay binibigay kapag inaatake ng arthritis ng gout ang pasyente. Hindi ito maintenance na gamot. Pinaka mainam na ito ay masimulan sa loob ng 24-48 oras ng pagkakaroon ng atake ng arthritis. Ito ay magkakatulong na mabawasan ang pananakit, pamamaga at hirap na kumilos. Ang mga gamot na kontra-atake ay binibigay ng di lalagpas ng 1-2 linggo. Kasama sa grupo na ito ang mga gamot na colchicine, naproxen, ibuprofen at diclofenac. Meron ding mga gamot na maaaring ibigay sa pamamagitan ng iniksyon o pinadaraan sa suwero. Ang ilan sa mga gamot na kasama rito ay ginagamit din sa iba pang uri ng arthritis at rayuma. Kumonsulta sa duktor para malaman ang tamang tapang at tagal ng pag-inom ng mga gamot kontra-atake ng gout. Kailangang pumili ng angkop na gamot na hindi makapag papalala ng ibang sakit (tulad ng sakit ng tiyan, ulcer, dyspepsia, problema sa puso, atbp) na maaaring mayroon ka.

GAMOT NA PANG IWAS-ATAKE. Ang ilang gamot na kontra sa atake ng gout ay ginagamit din upang maiwasan ang pag-atake ng gout. Ito ay binibigay sa mas mababang tapang kumpara sa binibigay kapag may atake ng gout. Ito ay hindi maintenance na gamot. Binibigay lamang ito habang hindi pa buo ang epekto ng susunod na grupo ng mga gamot – ang urate lowering therapies. At tulad ng naunang pasabi, dapat piliin ang tamang na gamot na di magpapalala ng iba pang kondisyong medikal na meron ka.

PAMPABABA NG URIC ACID. Ang urate lowering therapies ay mga gamot na nakapagpapababa ng uric acid sa katawan. Kabilang sa grupong ito ang allopurinol at febuxostat. Ito ang maintenance medication para sa gout. May mga gamot para sa ibang sakit na nakapagpapababa rin ng uric acid tulad ng losartan (para sa high blood o hypertension) at fenofibrate (para sa mataas na cholesterol). Tinitimpla ang tapang ng mga gamot na ito upang mapababa sa sapat na lebel ang uric acid upang mapigilan ang pabalik balik na arthritis at maiwasan ang pagkakaroon ng mga kimplikasyon tulad ng tophi at kidney stones. At kung sakaling meron ng mga komplikasyon ay binibigay pa rin ang urate lowering therapies upang mapaliit ang mga tophi at kidney stones. Ang patigil ng urate lowering therapies ay magpapataas muli ng uric acid sa katawan na magiging dahilan ng pagbalik ng mga sintomas at komplikasyon nito. Kaya kadalasan ay binibigay ito ng HABANG BUHAY. Kaya’t kailangan ng regular na pagsusuri ng bato at atay upang masiguradong hindi nakasasama ang pag inom ng mga gamot na ito.

May mga gamot sa itaas na maaaring makuha ng walang reseta sa botika. Subali’t para makasigurado sa tamang uri, tapang, tagal at panahon ng pagbigay ng mga gamot, mas makabubuting kumonsulta sa duktor. Idagdag pa rito ang kaalaman maipapamahagi ng inyong duktor. Kumonsulta sa iyong duktor para malaman ang tamang gamutan sa gout.

Advertisements

3 thoughts on “Anu-ano ang mga gamot sa GOUT?

  1. Tatanung ko lng po kasi po yung asawa ko my sakit dn sa gout ngayon po dami bukol sa mga daliri sa camay nya at pumutok pa at ng nanana pà po pati po paa nya yung hinĺalaki nģ paa nya d na rin makaĺakad ayaw dn po mg pa cķ up at sa totoo lng po wala kami maraming pera pang pa doctor kung pwede po sana tulungan nyo ko kung pwede anu po ang pwede gamut na iniinum nya o oitment sana na ipahid para matuyo po yung sugat salamat po and god bless po

    1. Batay po sa inyong salaysay, maaaring meron ng tophaceous gout ang asawa nyo. Itong gout na ito ay komplikado na. Kailangan na pong magpakonsulta sa duktor upang mabigyan ng tamang gabay sa gamutan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s