Ano ang GOUT?

image

Ang GOUT o piyo ay isang uri ng arthritis na dulot ng labis na uric acid sa katawan. Ang sobrang uric acid ay namumuo sa kasu kasuhan at kalamnan at siyang nagiging sanhi ng mga sintomas at mga abnormalidad na nakikita sa mga pagsusuri. Ang kadalasang nagkakaroon ng gout ay mga lalaki (edad 25 pataas) at mga babaeng hindi na nagreregla.

Naiisip na may gout ang isang tao kapag siya ay nakararanas na pabalik-balik na pananakit ng kasu kasuhan. At ang apektadong kasu kasuhan ay mainit o nilalagnat, namamaga, namumula at hirap gamitin. Ang pagdaplis ng damit sa kasu kasuhang may atake ng gout ay magdudulot ng sobrang sakit.

Ang tipikal na atake ng gout ay hindi tumatagal ng higit sa dalawang linggo. Maaari ito humaba kung ang trigger ng atake ay hindi pa nagagamot o nare-remedyuhan. Subalit, sa pagitan ng mga atake ng gout ay walang nararamdaman ang pasyente at maayos na naikikilos lahat ng kasu kasuhan. Ito ang madalas na dahilan ng hindi agad na pagkonsulta sa duktor.

Maliban sa arthritis ay madalas na mataas ang uric acid sa dugo ng pasyenteng may gout. Subali’t kapag inaatake ng gout o kaya’y nakaiinom ng mga gamot na nakababa ng uric acid (urate lowering therapies) ay maaaring maging normal ang lebel ng uric acid sa dugo. Babalik ito sa totoong antas matapos ang atake ng gout o kaya’y kapag nahinto ang pag-inom ng gamot. At ito ang mainam na panahon para makumpirma ang totoong antas ng uric acid sa dugo.

Sa simula ay madalang ang pag-atake ng gout – minsan sa isa o dalawang taon – subalit habang tumatagal ay mas dumadalas ito at maaaring umabot sa punto na araw-araw ng nakakaramdam ng pananakit ng mga kasu kasuhan. Liban dito, dumadami rin ang mga kasu kasuhang namamaga kapag may atake ng gout at humahaba rin ang tagal ng mga atake. Lalong lumalala ang pag atake ng gout kapag hindi ito nabibigyan ng tamang kombinasyon ng mga gamot.

Kapag matagal ng mataas ang uric acid sa katawan at matagal ng pabalik balik ang arthritis ay maaari ng mamuo ang uric acid sa balat at paligid ng mga kasusuhan. Ang tawag sa namuong uric acid na ito ay TOPHI. At hanggang di naibibigay ang tamang kombinasyon ng gamot ay lumalaki at dumadami ang mga tophi. Maaari ring mamuo ang sobrang uric acid sa mga bato (kidneys) at maging sanhi ng KIDNEY STONES. Ang tophi at kidney stones ay itinuturing na komplikasyon ng gout.

image

Ang tamang paggamot ng gout ay magdudulot ng pagkawala ng mga atake ng arthritis at ang posibilidad na mabawasan ang mga komplikasyon. Kumonsulta sa duktor kung tingin mo ay may gout ka na.

Advertisements

One thought on “Ano ang GOUT?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s