Ano ang mas malala – arthritis o rayuma?

image
Imahe mula sa chapelhilloptimalhealth.com

May mahigit 100 na uri ng arthritis at rayuma – lahat sila ay maaaring maging sanhi ng pananakit ng mga kasu-kasuhan. Bawat isa ay may kanya-kanyang katangian na ginagamit ng mga duktor upang malaman kung ano ang sanhi ng iyong nararamdamang kirot. Subalit hindi natin masasabi na mas malala ang isa kumpara sa iba.

Ang ARTHRITIS ay mga kondisyon kung saan ang kasu-kasuhan mismo ang apektado – kasama rito ang kartilago, ang synovium na gumagamit ng langis ng kasu-kasuhan, at ang balot ng kasu-kasuhan (joint capsule). Ilang halimbawa nito ay ang osteoarthritis, gout at rheumatoid arthritis. Samantala, ang RAYUMA naman ay mga sakit kung saan ang litid, ligamento, muscle, ugat (nerves) at daluyan ng dugo ang naaapektuhan. Kasama dito ang carpal tunnel syndrome, muscle strain, sprain at sciatica syndrome. May mga sakit kung saan ang arthritis at rayuma ay maaaring magsabay. Hindi totoo na sa simula ng pananakit ng kasu kasuhan ay rayuma pa lamang ito at, kung napabayaan, ay mauuwi sa arthritis. Hindi rin totoo na mas malala ang arthritis kaysa rayuma o ang rayuma kumpara sa arthritis.

May iba’t ibang uri ng arthritis at rayuma. May mga uri na panandalian lamang at gumagaling ng kusa. At meron ring mga tumatagal at kinakailangan ng maintenance na gamot upang di lumala. May mga kondisyon kung saan ang pananakit ng kasu kasuhan ay pabalik balik. May mga arthritis at rayuma na may kaagapay na pamamaga o inflammation. Minsan, may mga rayuma at arthritis na naaapektuhan din ang internal organs (tulad ng bato, puso at atay). At meron ding mga arthritis at rayuma na kinakailangan maagapan ng maaga upang di magdulot ng paglala, pagkalumpo o kamatayan.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pain reliever, pain killer o gamot sa kirot ang sagot sa karamdaman. Ang mga ito ay bahagi lamang ng mga gamot na maaaring gamitin sa maraming uri ng arthritis at rayuma. Kailangan kumonsulta sa duktor upang malaman kung anong uri ng arthritis o rayuma ang meron ka at nang mabigyan ka ng tamang payo at abiso sa pagpapagamot.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s